
Bagamat nakararanas pa ang bansa ng malamig na panahon dala ng hanging amihan, simula nang nagpatupad ng taas singil singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero ang Manila Electric Company (Meralco) habang ang distribuition utilities na pagmamay ari ni busyiness tycoon Enrique Razon ay nagpatupad ng mahigit P1 na pagbaba sa kanilang singil.
Sa ngayon ay nasa P13.17 kada kWh na ang singil sa kureynte ng Meralco mula sa P12.95 noong Enero, o nasa ₱0.2226 per kWh na pagtaas.
Ikinatwiran ng Meralco na bagamat bumaba ang generation cost o ang supply na nakukuha sa mga Independent Power Producers (IPPs) ay hindi naman ito nagresulta sa pagbaba ng presyo dahil malaki ang adjustment o pagtaas ng Universal Charge for Missionary Electrification (UCME).
Bumabang generation cost at mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) naman ang dahilan ng pagbaba ng singil sa kuryente ng
Bohol Light, Negros Electric and Power Corporation (NEPC) at MORE Power sa Iloilo City na pawang pagmamay-ari ni Razon.
Ang MORE Power (Iloilo) ay nagbaba ng ₱1.06 per kWh, ang kanilang residential rate ay nasa ₱11.60 per kWh; ang Bohol Light ay nagpatupad ng ₱1.60 per kWh na bawas, ang kanilang residential rate ay P12.5251 per kWh habang ang NEPC ay nagbaba ng ₱1.66 per kWh, ang kanilang residential rate ay nbasa ₱11.44 per kWh.
Pinaalalahanan naman ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga ang mag customers nito na maghanda sa papasok na summer season.
“We reiterate our call for customers to practice energy efficiency as we approach the dry season,” ani Zaldarriaga.
Ang magkaibang rate na ipinatupad ng Meralco at More Power para sa buwan ng Pebrero ay ikinukumpara dahil na rin ang dalawang electric company giant ay may parehas na interes at nagpapanukala ng joint venture agreement sa BATELEC II, ang electric cooperative sa Batangas, layon nito na mapabuti ang electric service sa Batangas na nahaharap sa ilang reklamo.
Wala pang desisyon ang Batelec sa kung sino sa dalawang kumpanya ang kanilang pipiliin para sa joint venture , ito rin ay ay dadaan sa isang plebesito at aaprubahan ng mga residente.
Gayunpaman, maaaring gawing batayan ng mga residente ng Batangas ang magkaibang singil sa kuryente ng More Power at Meralco dahil rin ang maaaring asahan sa oras na magkaroon ng pagbabago sa kanilang electric service provider.
Sa pagbaba ng singil, ang mga customer ng More Power sa Iloilo na kumukunsumo ng P200kwh kada buwan ay makakatipid ng P212 sa kanilang electric bill, sa mga customer ng NEPC ay P322 na pagbaba sa monthly bill at nasa P300 din na savings sa Bohol Light customers.



